Home


BUNGA NG PANITIKAN

Sa kabuuan ng pag-aaral sa kursong ito, masasabi kong naging makabuluhan ang lahat ng aking ginawang pagsusumikap para matuto tungkol sa panitikan. Aking nabanggit sa mga nauna kong blog na hindi ako yung tipo ng taong kinahihiligan ang pagbabasa kung kaya’t ako’y nag-alangan sa simula kung paano mabisang makapag-aaral ng panitikan. Mabuti na lamang at…

PAMAMARAAN NG PAG-ARAL NG PANITIKAN

Marami sa aming klase ang nahihirapang pag-aralan ang panitikan. Alam nga namin kung ano ang halaga nito sa amin at sa lipunan ngunit paano naman tunay na mapapahalagahan ito kung hindi naman sapat ang aming nalalaman kung paano ito mabisang pag-aaralan? Mayroong limang pamamaraan na iprinisenta sa amin ang aming propesor. Una ay ang interaksiyon…

HALIMAW

Pailing-iling na ulo at pakunot-kunot na noo. Iyan ang aking masasabing lumutang kong reaksiyon patungkol sa maikling nobela ni Levy Balgos de la Cruz na pinamagatang “Ritwal”. Napakarami nitong natalakay na isyung panlipunan kung ihahambing sa mga naunang panitikang pinabasa sa amin noon. Isinabay pa ito sa napakagandang takbo ng istorya na madadala ang mga…

PUSO NG ISANG INA

Halu-halong emosyon ang dala ng kwento ni Fancy Garcia na pinamagatang “Nanay”. Kapag maririnig ang salitang ito ay marahil tayo’y napapangiti kung maiisip pa lamang ang taong nagsilang sa atin sa mundo. Kilala natin ang ating mga Nanay na matatag, mapagmatiyaga, masipag, madiskarte, mapagmahal, at marami pang ibang magagandang katangiang pwede nating mailarawan sa kanila.…

PROSA

Muli na namang sumapit ang Biyernes. At kapag Biyernes, ako’y palaging nasasabik dahil batid kong marami na naman akong bagong aral na mapupulot patungkol sa panitikan. Ang paksang aming napag-usapan para sa talakayan ay ang akdang isinulat ni Nancy Kimuell-Gabriel na pinamagatang “Kubeta”. Kung babasahin sa simula, aakalahing parang isang nanay na nagrereklamo lamang tungkol…

TATAK NG KAHIRAPAN

Kung ikaw ay una pa lamang na makakapasok sa bahay ng ibang tao, ano ang unang papansinin mo? Ang salas ba? Ang kusina? Hapag-kainan kaya? Paano kung napakaganda nga naman talaga ng bahay ngunit pagpasok mo sa kanilang kubeta ay kabaliktaran ang iyong naabutan? Hindi ka kaya magdadalawang isip ka kung nararapat pa bang gamitin…

IKOT NG MUNDO

Kung sa naunang akda, “Kasal” ni Eli Guieb, ay panibagong konsepto ng pag-ibig ang nagawa nitong ipakita sa mga mambabasa, ang Dangal naman na isinulat ni Norman Wilwayco ay nagpamulat naman ng maraming konsepto tungkol sa pamahalaan, lipunan, at pagkatao ng isang indibidwal. Paano nga ba nasisira ang dangal? Hanggang saan nga ba kayang panindigan…

BAGONG TAON, BAGONG KAALAMAN

Hindi ako palabasang tao. Nagkakaroon lamang ako ng pagkakataon na makapagbasa kung ako’y nagkaroon ng interes sa babasahin ngunit bibihira lamang din iyon mangyari sa akin. Mas pipilin ko pa ang manood ng pelikula ng kwentong nasa libro kaysa basahin ito. Ngayon na ako’y kolehiyo na, marami akong napagtanto na hindi na ako dapat ganito…

TAKIPSILIM

Sa dami ng tao sa mundo, kaya ka nilang bigyan ng iba’t ibang kahulugan ng pag-ibig. Ngunit kung ikaw na mismo ang tatanungin, ano kaya ang iyong masasagot? Matatahimik ka ba at biglang mapapaisip? Baka naman iiwasan mong sagutin ang tanong na yan? Di kaya may maisasagot ka pero di mo lamang alam kung paano…

PAGKILALA SA PANITIKAN

Talaga nga namang habang humahaba ang pamamalagi mo rito sa mundo ay mas lumalawak o lumalalim ang iyong kaalaman. Sa pamamagitan ng mga karanasan ay nagkakaroon tayo ng mga panibagong pananaw sa buhay na dumaragdag sa paglawak din ng ating perspektibo. Ngunit maliban pa rito, isa rin ang panitikan sa mga maaaring magturo sa atin…

shallecalvadores

Design a site like this with WordPress.com
Get started